Friday, October 2, 2009

CHILDREN IN THE CITY

Posted by edxaii at 5:37 AM
Madalas natin silang nakikita sa langsangan minsan pa nga'y hindi natin napapansin o kahit napapansin natin sila madalas binabalewala lang natin. Ilang beses ka na bang nagtaboy ng bata sa tabi nang daan? ilang beses ka na bang nagdamot ng pag kain sakanila? ilang beses ka na bang nandiri sa itsura nila? naisip mo rin bang isa ka rin namang dumi sa iba?

Ilang beses ko nang napanuod ang "SA KAMBAS NG LIPUNAN" ni Joey Velasco. ilang beses narin akong tinamaan sa pangaral niya. At ilang beses narin akong naiyak sa realidad na pinapakita niya. Ilang beses narin akong nangako sa sarili ko na mag babago na.
Pero hindi sapat na manuod lang ako't maiyak sa pinapanood ko. Marahil siguro'y kailangan ako mismo ang makaalam sa kwento at tunay na kalagayan nila.

Oct. 02, 2009, kasama ang mga kagroup ko sa intlit. Sinimulan muli namin ang pag iinterview sa mga bata. Si APRIL MERCADO ang napili naming iinterview. Isang batang may pamilya ngunit walang kaya. 11 years old lang sya't nag aaral, ang kuya niya naman sumasideline sa nag fifish ball sa tabi ng daan, Minsan pa nga'y hindi sinusweldohan ng amo at madalas pa nga daw ay binubugbog. Ang isa nyang kapatid nama'y may sakit sa puso. Ang sabi niya pa nga "kaya nga po ko namamalimos para makaipon at para mapagamot yung kapatid kong may sakit dito" sa PUSO daw. Ang kanya namang ina'y nagtitinda ng tinapa, madalas daw nilang kainin ay tinapa pero minsan kung walang wala talaga toyo't taba lang daw. Ang nakakalungkot pa, isang beses lang sila kumakain sa isang araw. Ang kanyang aman naman daw ay nakakulong dahil nagshashabu. At ang bunso naman niyang kapatid ay namatay nung oras na hinuhuli ang kanyang ama ay natapakan ng mga pulis ang bata.

Nagulat kame nang malaman naming (5) limang araw palang nakakulong ang kaniyang ama at limang araw palang patay ang kapatid niya. Hindi na niya napigilan ang kanyang luha. Pati kami naiyak narin. Dun palang talagang pumasok sa puso ko yung pag papasalamat sa Diyos na kung tutuusin isa na ko sa masusuwerteng batang nakakapag aral, nakakain ng tatlong beses sa isang araw, at nakakabili ng mga gamit na gusto ko. Napakaswerte na nga nag hahanap pa ng sobra.

THE STREET CHILDREN IN THE PHILIPPINES



this video are made by a group of student from the Ateneo de Manila University helping Gawad Kalinga build houses for the homeless people.

0 comments on "CHILDREN IN THE CITY"

 

it's a life-long learning Copyright 2009 Sweet Cupcake Designed by Ipiet Templates Image by Tadpole's Notez